Saturday, June 15, 2013

Nagbabalik





Lahat tayo ay may mga pangarap. Pero sadya atang malupit ang buhay minsan. Hindi kasi lahat ng gustuhin natin ay nakukuha natin. Pero sa'kin, ilang beses namang naging mapagbigay ang buhay.

Sinabi ko noong kapag yumaman ako, magpapatayo ako ng bahay ampunan. Hindi pa'ko yumayaman, pero nagkaroon ako ng pagkakataong baguhin ang buhay ng dalawang anghel.

Noong nasa kolehiyo ako, masaya na'kong makapasok sa isang prank show pero mas maganda pa run ang ibinigay sa'kin. Inabot nga lang ng halos siyam na taon, pero ano naman? Sabi nga nila, "good things come to those who wait". Ang ibinigay sa'kin, hindi lang "good" kundi "greatest". Sulit na sulit ang paghihintay. 

Isa pa sa mga pangarap ko ang magsulat --- ng mga artikulo, tula, kanta, at mga kuwentong bubuo ng mga opinyon, kaaaliwan, at kapupulutan ng aral. Ang alam ko kasi, manunulat talaga ako at hindi dokumentarista.

Ilang beses din akong nagpraktis, kaya nga nag-blog ako. Pero kapag binabalikan ko ang mga dati kong blog, malayung-malayo ang laman sa mga pinapangarap ko. Ang unang blog ay dala ng kabataan at katabilan ng dila. Ang sumunod na blog ay pagsubok na maging mas "mature'. 

Ngayon, susubukan ko ulit sumulat. Panahon na rin para unti-unti ko ulit tuparin ang isa ko pang pangarap. Hindi naman kasi makukuha ang pangarap kung tutunganga lang at magdadasal.




Sunday, February 20, 2011

Hey Baby, I was born this way!

God made NO mistakes.

I was born this way.


We were born this way.

For all the LGBTQs out there!



Sunday, January 23, 2011

Isang bagong pag-ibig


May mga nawala sa buhay ko
pero maraming dumating
at bakit pa ba ako maghahanap
kung katulad niya ang nasa akin?

Friday, October 1, 2010

Paalam


Paano nga ba magpaalam
Sa isang minamahal?
Sapat ba ang mga salitang
Sa bibig ay bibitawan?

Kailangan bang kalimutan
Sabay ng pamamaalam
O maari ko pa bang
Baunin sa aking isipan?


photo courtesy: cafeinspirado.com

Sunday, September 26, 2010

Bugtong


Dahan-dahan siyang naglalakad sa dilim. Hindi alintana ang paligid na maitim... ang panganib na maaaring hatid ng nagtatagong liwanag. Hindi rin niya pansin ang abalang mga tao sa paligid. Parang mga langaw na walang pagod sa paglipad sa umaalingasaw na kalabaw.

Blangko. Ngunit malalim. 'Yan ang kaniyang isip na gusto nang sumuko sa pagod, antok, at isang laksang isipin.

Nakikipag-unahan ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga yapak.

Sa dyipni, naging milyong tao ang katabi niya. Kanina, akala niya ay mag-isa lamang siya.

Sa kaniyang pagbaba, ang kaniyang mundo ay muling napag-isa sa gitna ng walang hanggang kalawakan.

Ito ang mga pagkakataong isanlibo man ang kaniyang mga kaibigan, pakiramdam niya, siya ay nag-iisa lamang.


Photo courtesy: markfletcher.wordpress.com