Friday, August 29, 2008

No goodbyes...

Del Martin

Lesbian rights pioneer, Del Martin, died at the age of 87 last August 27. Full story here.

***

"True love never lives happily ever after -
true love has no ending." --- K. Knight


Del Martin & Phyllis Lyon in 1972

Phyllis Lyon & Del Martin at their 2004 wedding

At their June 2008 wedding

Ang mga Lalaki sa Buhay ni Summer Fire


"Hindi ka na ba naa-attract sa lalaki?"


"Ayaw mo na ba sa lalaki?"

"Hindi mo na ba naiisip mag-asawa ng lalaki?"

Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na tanong na lagi kong nae-engkuwentro. Pero ito ang paborito ko:

"Nalilibugan ka pa ba sa lalaki?"

I Love it, mother! Winner! Kung may beauty contest siguro ng mga biyaning at isa ako sa mga judge, itatanong ko 'yan sa final 3.

Pero walang beauty contest ng mga biyaning, hindi ako contestant dun, at lalong hindi judge ang nagtatanong sa'kin. Muntik ko na ngang malunok ang dila ko nang itanong sa'kin 'yan ng isang taklesa kong kaibigan. Sheyt, buti na lang hindi talaga puwedeng malunok ang sarili mong dila. Josko, pa'no na lang if ever? Dava? *wide grin* Pero ayuz lang. Hindi naman talaga ako sa tanong nabilaukan, kundi sa thought na ang mga kasama namin ng mga oras na 'yun eh mga taong nagpapanggap na inosente. Walang bahid-kamunduhan. Daw. In short, hindi ko alam kung sasagutin ko rin ba ang tanong nang kasing-balahura nang pagkakatanong sa'kin. Haha! Ang laking problema, eh!

Pero ayoko nang sagutin dito ang tanong na 'yan. Ayokong maging masyadong balahura rito. Hehe. Kung gusto n'yong malaman ang sagot, e-mail n'yo na lang ako ; )

***


Once upon a time sa buhay ko, nagkagusto rin naman ako at lumuha nang dahil sa lalaki. At isa 'yun sa mga bukas na parte ng buhay ko. Pero kung gusto n'yo pang bulatlatin, eto, isasalaysay ko na rito para hindi na kayo maalikabukan sa paghalungkat sa baul...

Boy #1 --- limang taon lang 'ata ako nun. Nakilala ko sa isang lamay. Yes, sa isang lamay, mga manay. Pinsan ng kapitbahay namin na namatayan. Haha! Sheyt! Bata pa lang ako, malandi na talaga ako. (Singit ko lang na kuwento... Sabi ng nanay ko, isang araw raw na bumibili kami sa isang bakery, may isang tricycle driver na pumara sa harap namin. Kinalabit ko raw ang aking ina sabay sabing, "Ma, ang pogi nung mama, o! 'Yung tricycle driver ang tinutukoy ko. 2 years old lang ako nun.) Tinukso kami ng kapitbahay ko. Kras daw ako ng pobreng bata. Nang sulyapan ko, in pernes, kyut din siya. Ahaha! Pagkatapos ng lamay, kasama nang nailibing ang aming love story.

Boy #2 --- schoolmate ko nung grade 2 ako. Bagong transfer. Cute. Kaya lang parang bading. Then after ilang buwan lang, palagi nang absent. Kinakarir na 'ata ang paglipat ng school. Por dat, iba na lang din ang kinarir ko... Pag-aaral, syempre. Chos.

Boy #3 --- grade 4 ako, grade 6 s'ya. Unang beses kong nakatanggap ng love letter (na matino) sa buong buhay ko. Ahihi. Happy sana kung hindi ko nahulog pagkatapos kong maligo. Nakalagay kasi sa bulsa ng damit ko. Pagkatapos kong maligo, syempre, binitbit ko ang damit ko palabas ng banyo. Nahulog ang love letters. Nabasa ng nanay ko. Ayuz. At ang nanay kong magaling, inalam pa kung sino ang Anthony na 'yun. Hi Anthony! Yez, it's me. Sheyt na malagkeyt. Kaya raw pala lagi siyang chinichika ng isang batang lalaking cute kapag hinihintay n'yakong lumabas from school. Si Anthony na raw pala 'yun. In pernes, cute ka raw, Anthony!

Boy #4 --- hindi ko talaga siya kras. Siya ang may kras sa'kin. Haha! Pero hindi ko alam kung bakit sinabi ko sa kan'ya na naging kras ko rin siya dati. Maigas. Ngayon ko lang napag-esep-esep, noon pa pala, may tendecy na'kong magpaasa. Toink.

Boy #5 --- grade six. Teacher's pet ako. Kaya nung minsang nagmeeting ang mga kaguruan ko, ako ang namuno sa klase para sa isang review para sa nalalapit na periodical test. Ganun talaga sa mabababang paaralan, all around ang mga estudyante --- janitor (sa klasrum at sa principal's office), tindera (kapag recess), call center agent (taga-sagot ng telepono sa principal's office), at substitute teacher kapag may meeting sila o gumagawa ng lesson plan. Tahimik ang lahat. Nang may biglang umutot. Sa sobrang pagkagulat sa sariling singaw, napa-Aaay! ang pobreng salarin. Hindi ko na siya kras simula noon.

Boy #5 --- dahil hindi ko na kras si Boy #4, napagbalingan ko ng pansin si Boy #5. Grade 5 lang siya nun. Kapatid ng isang teacher namin. Cute memories with him. Super kilig moments. Pero hindi naman naging kami. Hanggang tuksuhan lang. The next and last time I saw him after kong gumradweyt sa Mababang Paaralan ng DR, parang 1st year college na 'ata ako. Nanghingi siya ng application form sa Peyups. Nagkita kami pero "hi-hello" lang. Hindi ko na nga masyadong maalala ang mga pangyayaring 'yun. Parang nagka-amnesia ako sa part ng buhay ko na 'yun. Ang panget. Hindi man lang 'ata kami nag-usap nang may kuwenta nung nagkita kami noon.

***

Ang sarap ng feeling ng may crush, 'di ba? 'Yung kinikilig ka na parang may kumikiliti sa puwet mo. Haha! Kapag naaalala ko 'yung mga kras ko nung elementary pa lang ako, napapangiti ako, natutuwa, natatawa. Haaaiz. Minsan, parang ang sarap ibalik ang mga panahong ang tanging problema mo sa puso ay kung papasok ba sa skul ang kras mo, kung makikita mo ba siya kapag rumampa ka sa harap ng klasrum nila, o kung LOVERS ba ang kalalabasan ng bilang ng mga letra ng pangalan n'yo sa CAMEL at FLAMES. Hihi. So happy :D

Hanggang dito na lang muna. Next post na lang 'yung higschool boyz ko. Mahaba-habang usapan : )

Tuesday, August 19, 2008

Ready your cups...