Sunday, September 26, 2010

Bugtong


Dahan-dahan siyang naglalakad sa dilim. Hindi alintana ang paligid na maitim... ang panganib na maaaring hatid ng nagtatagong liwanag. Hindi rin niya pansin ang abalang mga tao sa paligid. Parang mga langaw na walang pagod sa paglipad sa umaalingasaw na kalabaw.

Blangko. Ngunit malalim. 'Yan ang kaniyang isip na gusto nang sumuko sa pagod, antok, at isang laksang isipin.

Nakikipag-unahan ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga yapak.

Sa dyipni, naging milyong tao ang katabi niya. Kanina, akala niya ay mag-isa lamang siya.

Sa kaniyang pagbaba, ang kaniyang mundo ay muling napag-isa sa gitna ng walang hanggang kalawakan.

Ito ang mga pagkakataong isanlibo man ang kaniyang mga kaibigan, pakiramdam niya, siya ay nag-iisa lamang.


Photo courtesy: markfletcher.wordpress.com