Monday, September 8, 2008


Friday, August 29, 2008

No goodbyes...

Del Martin

Lesbian rights pioneer, Del Martin, died at the age of 87 last August 27. Full story here.

***

"True love never lives happily ever after -
true love has no ending." --- K. Knight


Del Martin & Phyllis Lyon in 1972

Phyllis Lyon & Del Martin at their 2004 wedding

At their June 2008 wedding

Ang mga Lalaki sa Buhay ni Summer Fire


"Hindi ka na ba naa-attract sa lalaki?"


"Ayaw mo na ba sa lalaki?"

"Hindi mo na ba naiisip mag-asawa ng lalaki?"

Ilan lang 'yan sa mga paulit-ulit na tanong na lagi kong nae-engkuwentro. Pero ito ang paborito ko:

"Nalilibugan ka pa ba sa lalaki?"

I Love it, mother! Winner! Kung may beauty contest siguro ng mga biyaning at isa ako sa mga judge, itatanong ko 'yan sa final 3.

Pero walang beauty contest ng mga biyaning, hindi ako contestant dun, at lalong hindi judge ang nagtatanong sa'kin. Muntik ko na ngang malunok ang dila ko nang itanong sa'kin 'yan ng isang taklesa kong kaibigan. Sheyt, buti na lang hindi talaga puwedeng malunok ang sarili mong dila. Josko, pa'no na lang if ever? Dava? *wide grin* Pero ayuz lang. Hindi naman talaga ako sa tanong nabilaukan, kundi sa thought na ang mga kasama namin ng mga oras na 'yun eh mga taong nagpapanggap na inosente. Walang bahid-kamunduhan. Daw. In short, hindi ko alam kung sasagutin ko rin ba ang tanong nang kasing-balahura nang pagkakatanong sa'kin. Haha! Ang laking problema, eh!

Pero ayoko nang sagutin dito ang tanong na 'yan. Ayokong maging masyadong balahura rito. Hehe. Kung gusto n'yong malaman ang sagot, e-mail n'yo na lang ako ; )

***


Once upon a time sa buhay ko, nagkagusto rin naman ako at lumuha nang dahil sa lalaki. At isa 'yun sa mga bukas na parte ng buhay ko. Pero kung gusto n'yo pang bulatlatin, eto, isasalaysay ko na rito para hindi na kayo maalikabukan sa paghalungkat sa baul...

Boy #1 --- limang taon lang 'ata ako nun. Nakilala ko sa isang lamay. Yes, sa isang lamay, mga manay. Pinsan ng kapitbahay namin na namatayan. Haha! Sheyt! Bata pa lang ako, malandi na talaga ako. (Singit ko lang na kuwento... Sabi ng nanay ko, isang araw raw na bumibili kami sa isang bakery, may isang tricycle driver na pumara sa harap namin. Kinalabit ko raw ang aking ina sabay sabing, "Ma, ang pogi nung mama, o! 'Yung tricycle driver ang tinutukoy ko. 2 years old lang ako nun.) Tinukso kami ng kapitbahay ko. Kras daw ako ng pobreng bata. Nang sulyapan ko, in pernes, kyut din siya. Ahaha! Pagkatapos ng lamay, kasama nang nailibing ang aming love story.

Boy #2 --- schoolmate ko nung grade 2 ako. Bagong transfer. Cute. Kaya lang parang bading. Then after ilang buwan lang, palagi nang absent. Kinakarir na 'ata ang paglipat ng school. Por dat, iba na lang din ang kinarir ko... Pag-aaral, syempre. Chos.

Boy #3 --- grade 4 ako, grade 6 s'ya. Unang beses kong nakatanggap ng love letter (na matino) sa buong buhay ko. Ahihi. Happy sana kung hindi ko nahulog pagkatapos kong maligo. Nakalagay kasi sa bulsa ng damit ko. Pagkatapos kong maligo, syempre, binitbit ko ang damit ko palabas ng banyo. Nahulog ang love letters. Nabasa ng nanay ko. Ayuz. At ang nanay kong magaling, inalam pa kung sino ang Anthony na 'yun. Hi Anthony! Yez, it's me. Sheyt na malagkeyt. Kaya raw pala lagi siyang chinichika ng isang batang lalaking cute kapag hinihintay n'yakong lumabas from school. Si Anthony na raw pala 'yun. In pernes, cute ka raw, Anthony!

Boy #4 --- hindi ko talaga siya kras. Siya ang may kras sa'kin. Haha! Pero hindi ko alam kung bakit sinabi ko sa kan'ya na naging kras ko rin siya dati. Maigas. Ngayon ko lang napag-esep-esep, noon pa pala, may tendecy na'kong magpaasa. Toink.

Boy #5 --- grade six. Teacher's pet ako. Kaya nung minsang nagmeeting ang mga kaguruan ko, ako ang namuno sa klase para sa isang review para sa nalalapit na periodical test. Ganun talaga sa mabababang paaralan, all around ang mga estudyante --- janitor (sa klasrum at sa principal's office), tindera (kapag recess), call center agent (taga-sagot ng telepono sa principal's office), at substitute teacher kapag may meeting sila o gumagawa ng lesson plan. Tahimik ang lahat. Nang may biglang umutot. Sa sobrang pagkagulat sa sariling singaw, napa-Aaay! ang pobreng salarin. Hindi ko na siya kras simula noon.

Boy #5 --- dahil hindi ko na kras si Boy #4, napagbalingan ko ng pansin si Boy #5. Grade 5 lang siya nun. Kapatid ng isang teacher namin. Cute memories with him. Super kilig moments. Pero hindi naman naging kami. Hanggang tuksuhan lang. The next and last time I saw him after kong gumradweyt sa Mababang Paaralan ng DR, parang 1st year college na 'ata ako. Nanghingi siya ng application form sa Peyups. Nagkita kami pero "hi-hello" lang. Hindi ko na nga masyadong maalala ang mga pangyayaring 'yun. Parang nagka-amnesia ako sa part ng buhay ko na 'yun. Ang panget. Hindi man lang 'ata kami nag-usap nang may kuwenta nung nagkita kami noon.

***

Ang sarap ng feeling ng may crush, 'di ba? 'Yung kinikilig ka na parang may kumikiliti sa puwet mo. Haha! Kapag naaalala ko 'yung mga kras ko nung elementary pa lang ako, napapangiti ako, natutuwa, natatawa. Haaaiz. Minsan, parang ang sarap ibalik ang mga panahong ang tanging problema mo sa puso ay kung papasok ba sa skul ang kras mo, kung makikita mo ba siya kapag rumampa ka sa harap ng klasrum nila, o kung LOVERS ba ang kalalabasan ng bilang ng mga letra ng pangalan n'yo sa CAMEL at FLAMES. Hihi. So happy :D

Hanggang dito na lang muna. Next post na lang 'yung higschool boyz ko. Mahaba-habang usapan : )

Tuesday, August 19, 2008

Ready your cups...


Tuesday, June 24, 2008

Astig na Mama-Turned-Papa Top 10

(mula sa listahan ng "Ang Pinaka", QTV 11)


10 - Andrea del Rosario (Rome and Juliet, 2006) --- havent really seen the movie but all the reviews i've heard and read have alot of not-so-good things to say about the movie.

9 - Desiree del Valle (Tuli, 2005) --- thought Desiree del Valle wanted to free herself form any lesbian connection : )

8 - Sunshine Dizon (Sabel, 2004) --- played a butch and was raped. Wonder why mababa ang ranking 'coz she's really good here, according to friends who have watched Sabel. A friend says she should be getting higher ranking than Mylene 'coz Rome and Juliet kinda sucks.




7 - Judy Anne Santos (Sabel, 2004) --- really need to watch Sabel tuloy : )

6 - Mylene Dizon (Rome and Juliet, 2006)

5 - Lolita Rodriguez (Jack and Jill, 1954) --- I don't really think she should be here 'coz "Jack" in the movie is not really a lesbian, tomboyish lang. But the panelists said she's outstanding here 'coz at that time, kinda breakthrough ang ganitong roles dahil hindi pa naman ganun ka-"out" ang society and then Lolita accepted it for a starring role pa. Hindi rin daw flambouyant ang pagkakaganap, hindi pilit at exag, and most of all, guwapo raw s'ya rito, in fairness. The "Jack and Jill" movie I was able to watch starred Sharon Cuneta and Herbert Bautista. Hindi rin naman totoong lesbiana ang role ni Sharon dito, syempre, for commercial purposes. Hindi siguro matutuwa ang Filipino public kapag gumanap na lesbian si Ate Shawie. Moreover, I don't think Sharon will agree on a role like that. Buti pa si Nora Aunor...



mula sa http://sari-saringsinengpinoy.blogspot.com

4 - Nora Aunor (And T-bird at Ako, 1982) --- Ate GUY played a lipstick butch here. Isang lawyer na mai-inlove sa kliyente niya (who happened to be VILMA SANTOS). For the panelists, sexy n'ya raw na-carry ang pagiging lesbian with the long hair, polo, and slacks. kaya lang, dahil hindi sa mejo conservative pang society natin nun, her character ended up in a hetero relationship din in the end. May mga chismis din na niluluto ito noon for a remake ng Star Cinema at sina Judy Ann at Claudine ang gaganap. Sana matuloy :D

3 - Cherry Pie Picache (Kaleldo, 2006) ---- in fairness, na-crush-an ko si Cherry Pie rito magaling naman talaga siyang artista and I think, kahit ano'ng role, kaya n'ya.








2 - Amy Austria (Celestina Sanchez Aka Bubbles: Ativan Gang, 1988 ) --- bet ko rin siya actually. Akala ko, isa sa kanila ni Cherry Pie ang makakakuha ng #1. Magaling din talaga siya with any role na ginagampanan niya. And most of all, really beautiful and sexy She'll make a very delicious lesbian 'pag nagkataon. Haha!



1 - Cherrie Gil (Manila by Night / City After Dark, 1980) --- Panelists said she's a handsome lesbian here kahit "tomboy sa kanto" ang role. At first you'd think daw na ang isang glamorosang Cherry Gil ay hindi kayang magpaka-"jologs" but she was really remarkable here, according to them.

***

Ngayon ko na-realize how much i should be catching up on movies like these. Nagkukulang na ang kaalaman ko pagdating sa development ng movie indsutry on homosexuality issues. The last Filipino gay film i've watched was "Duda" pa. Geez. Nakakahiya sa sangkabadingan at sangkatungrilan.

But it's happy to know na dumarami na ang mga pelikula which star homosexual characters and tackle gender issues. I just wish to watch a film that would really show lesbian lovemaking in its truest sense --- not the pornographic kind or the kind that pleases the male market or the general public, but one that captures the intensity and depth of the act, beyond mere lust. A union that is awakening, passionate, and ethereal.

Just how it is in the REAL queer world.