Ang ina ay inihanda sa pagdadalantao ng isang mahabang kasaysayan ng pakikibaka upang ang karapatan ay maipaglaban at ang tinig ay marinig ng lipunan...
...pinagtagpo ang semilya ng katapangan at ang itlog ng katatagan...
...ipinaglihi sa kagandahan at katalinuhan...
...pinalusog sa sinapupunan ng isang bukas na pag-iisip...
...iniluwal ng isang inang handang magsakripisyo ng buhay...
...bininyagan ng isang katauhang hindi marunong magkunwari...
...hinubog ng isang lipunang bagama't bukas ay nananakal...
Siya ang lesbiana.
Wednesday, May 14, 2008
Lesbiana, lesbiana... Paano ka ginawa?
Friday, May 2, 2008
Island of Fire
Siquijor.
Isang bayang sinasabing puno ng kababalaghan. Tinawag nga raw itong "Isla del Fuego" (Island of Fire) ng mga Kastila noon dahil sa tila pagliliwanag ng buong isla kapag sumapit ang dilim. Pagliliwanag na balot ng misteryo. Ngunit sa katotohanan, liwanag na dulot ng libu-libong mga alitaptap na nagsasayaw sa gitna ng kadiliman.
Puno ng kababalaghan? 'Yun ang sabi nila.
Misteryoso? Maaari.
Nakatatakot? Para sa marami.
Ngunit subukan mong itapak sa kaniyang buhanginan ang iyong mga paa... doon mo lang malalaman... doon mo lang maiintindihan... doon mo lang siya tunay na makikilala.
At maaaring maramdaman mong ang nagliliyab na init ay hindi pala nakadadarang.
Subscribe to:
Posts (Atom)