Urduja... ang kauna-unahang full-length animated Filipino film. Hindi pa man napipisa ang mga itlog, marami na ang nagbilang ng mga inakay na bali ang pakpak. Tulad ng inaasahan ko na, kabi-kabila na ang mga kritiko ng Urduja --- Disney-like and un-Filipino looking characters, doubtful storyline, not-so-good voice direction, skewed sketches, etc etc... Pero anupaman ang sabihin nila, bibigyan ko pa rin ng masigabong palakpak ang mga may-likha ng pelikula. At least they tried to make history. At kahit hindi ko pa napapanood ang buong pelikula, sa tingin ko naman, it is a decent attempt to do a first. Especially nang malaman ko, in an undocumented interview, na ang orihinal na plano ay ang karakter ni Lim-hang ang bida sa pelikula pero sa huli ay naisip nilang isang babae ang gawing sentro ng istorya --- at 'yun na nga ay si Prinsesa Urduja.
Ayon sa mga may-likha, mapapanood sa Urduja ang buhay ng isang Filipinang tulad ni Urduja noong panahong bago pa dumating ang mga Kastila. Matutunghayan dito ang kaniyang tapang, hindi lamang bilang isang mandirigma, kundi bilang isang babaeng mangingibig.
Tunay man o hindi na nabuhay ang isang Prinsesa Urduja, sana'y maging buhay ang kaniyang tapang sa katauhan ko para magkaroon ako ng higit na lakas na ipaglaban ang tunay na itinitibok ng puso ko.
***
Kung meron nga palang siguradong maganda sa Urduja, 'yun ay 'yung theme song nito na isinulat ni Joey de Leon. Kahit "bastos" siya sa telebisyon, may naisulat naman siyang maganda tungkol sa mga babae sa kantang ito. I highlighted the parts I like best.
"BABAE AKO"
Lyrics: Joey de Leon
Music: Ogie Alcasid
babae ako
ano bang dapat kong gampanan
sa daigdig na ating ginagalawan
ang hangganan ko ba'y hanggang saan
babae ako
ako ba'y mayro'ng kapangyarihan
o ako'y isa lamang na bukal
na pagkukunan ng pagmamahal
nais kong lumipad na may sariling bagwis
nais kong marating pangarap nang mabilis
nais kong manguna sa mga maya
para makita ang bagong umaga
ngunit kailan pa
gusto ko na
ngayon na
may galit ako
ngunit pag-asa'y nasa puso ko
bukas ang hamog makikita mo
bukas ang hamog makikita mo
hihigupin niya ang paru-paro..
ang paru-paro
No comments:
Post a Comment