Highschool days, oh my highschool days, every memory kay ganda... bakit kung graduation ay luluha kang talaga?
'Yun ang sabi ng kanta ng katukayo ko. Basta ang alam ko, masaya ako nung graduation day. Parang baby shampoo... no more tears :D
Tuloy ang kuwento...
Hayskulmeyt #2:
Isa na namang school heartthrob. At sa kauna-unahang pagkakataon, pare-pareho kami ng nakursunadahan (parang mga tambay sa kanto lang eh, 'noh?) ng barkada ko. "Kodika" ang tawag namin sa kan'ya. Syempre, dapat may codename para hindi obvious. Hindi lang naman teachers ang nausong bigyan ng codenames ng mga estudyante noon.
Si Kodika, talaga namang ka-kwash-kwash ---- killer looks, killer smile (kaya nga "Kodika" eh). Mukhang mabait, mukhang mabango. At sigurado ako run sa mabango kasi ka-service ko s'ya. Haha! Dun ko dinaig ang mga hitad kong kada lol Sorry sila, saksi ako kung paano'ng lumulusot ang ulo ni Kodika sa bintana habang himbing na himbing sa pagtulog very early in the morning sa ugoy ng pagmamaneho ni "Daddy", ang may-ari ng pick-up-turned-school service namin noon. 'Wa poise para kay Kodika, pero keber dahil mabango pa rin siya. Hindi katulad nung isa pa naming celebrity servicemate na nasa pinto pa lang ng service eh umaalingasaw na ang amoy ng deodorant niya. Tanong ko nga nun sa sarili ko, "Hindi ba sa kilikili lang ipinapahid ang deodorant?"
Hemingweyz, mabalik kay Kodika... alam naman naming hindi namin s'ya maabot. Ano ba naman ang laban namin sa gf n'ya noon na kapatid pala ng isang sikat na model-turned-actress? Nagkasama pa nga sila ng ate n'ya sa isnag shampoo commercial. O, davah? Ano namang laban namin dun? Puwede lang kami sa commercial ng Champion. *rotflmao*
Hayskulmeyt #3:
Siya ang nagturo sa'kin, in a painful way, na tama ang kasabihang, "never fall in love with your bestfriend" Hay. Well, kung nababasa mo man ito tsong pare dude, past is past. Haha!
Hayskulmeyt #4:
Siya ang nagpangiti sa'kin hanggang langit bago nagtapos ang hayskul chapter ng buhay ko. Lagi n'yakong binabati-bati noon. Pakyut na bati pero hindi ko siniseryoso... hanggang sa nagulat na lang ako nang bigla n'yakong yayaing sumayaw (take note, nang sweet) noong Graduation Ball namin. Gas abelgas. Ito na 'ata ang breaking news ng taon sa buhay ko... pati sa buhay ng mga kaklase naming tsismoso at tsismosa. Dati kasi siyang nali-link sa dalawang campus celebs din. Wala rin namang hint na may chorva s'ya sa'kin. At wala rin naman akong chorva sa kan'ya. Nagkachorva na lang nang gisingin n'ya ang papahimbing ko ng puso noong graduation ball. Haha.
Siya nga rin pala ang kauna-unahang taong naka-HHWWPSSP (holding hands while walkingh pa-sawy-sawy pa) ko sa SM North. Nyahahaha.
Kung may hindi ako makakalimutan sa kaniya, 'yun ang siya ang unang taong nag-alay sa'kin ng kanta. As in, nagrecord siya (sa cassette tape pa noon) ng isang kantang siya mismo ang kumanta. Paalis kasi ako noon for a competition at ipinabaon n'ya sa'kin ang "Leaving on a Jet Plane" his version. Hmmm, makes me think now kung nasaan na 'yung cassette tape na 'yun. At kung nasa baul na rin ba ng kaniyang deepest darkest secrets ang parteng 'yun ng kaniyang buhay. Hehe.
Siya rin ('ata) ang unang lalaking nagpaasa sa'kin. Sadly. At ang isa sa mga walang balls na lalaking gumamit ng "it's not you, it's me" echos at "hindi pa'ko ready" chenelyn. Crap. Pagkatapos n'ya kasi sabihing hindi pa siya handa, after a week ay nalaman naming may jowa na siya (na schoolmate rin namin nung HS).
Hayskulymeyt #5:
Muntik ko nang makalimutan.
Hayskul pa lang pala, napasok na'ko sa sinasabi nilang "bawal na pag-ibig". Superior n'yako at trainee namin sila. Pero wala naman ding seryosong kinahinantungan ang lahat maliban sa pagpapalitan ng relo at bag (y'know... 'yung relo n'ya suot ko, 'yung relo ko, s'ya magsusuot). Haha. Chummy. Very highschool *lol*
Hindi nga pala natuloy sa anumang seryuz na chorva ang sa'min dahil "binitawan" ko s'ya dahil kay #4. Mukhang wrong decision. But then again, we learn from our mistakes : )
*****
Makulay at masaya naman talaga ang HS. And my most trusted friends are products of my adventures nang mga panahong 'yun. I guess, karamihan naman sa'tin, HS friends ang patuloy na kasa-kasama hanggang ngayon. Although I still have contacts with elementary buddies at close pa rin kami ng college girlies, iba kasi talaga ang bonding with HS family. Siguro kasi, 'yun ang adolescent years, when people start building their own personas (which may be apart from what the parents brought up to them). Kaya nga ako, being a mother now, i'll make sure na makilatis ang mga magiging kaibigan ng anak ko lalo na kapag nasa HS na s'ya. As observed, HS environment will have a very large effect sa buhay ng isang tao, eh.
Well ako, i'm proud of my HS kada. One amazing bunch of lovely people. Mahal ko kayo! At miss na. Sana makumpleto na ulit tayo... : (
Teka... bakit ako lang ang wala rito??? *pamewang*
Actually, 2 kaming wala. Kaya lang 'yung isa, laging wala kaya parang ganun na rin.
Well, nasa ibang abroad lang kasi 'yung iba in our case.