First love never dies nga ba? Kung tama ang feeling ko noon na ang lalaking ito ang "first love" ko, sa tingin ko, ililibing na ang matandang kasabihang ito : )
Hayskulmeyt #1:
Ang unang (pero hindi naman huli, feeling naman s’ya!) lalaking nagpatibok ng puso ko (naks!) noong hayskul. Medyo, mainstream pa ang taste ko noon kaya tulad ng karamihan, (medyo) naloka rin ako sa isang school heartthrob. Pero ano nga ba ang pag-asa ng isang tulad kong ugly duckling --- hindi maputi, hindi matangkad, hindi matangos ang ilong, hindi sexy, at lahat na ng negang puwede mong isipin. Ok sige, I may be exaggerating, but that’s how un-pretty I felt before *sniff sniff*
Ang unang (pero hindi naman huli, feeling naman s’ya!) lalaking nagpatibok ng puso ko (naks!) noong hayskul. Medyo, mainstream pa ang taste ko noon kaya tulad ng karamihan, (medyo) naloka rin ako sa isang school heartthrob. Pero ano nga ba ang pag-asa ng isang tulad kong ugly duckling --- hindi maputi, hindi matangkad, hindi matangos ang ilong, hindi sexy, at lahat na ng negang puwede mong isipin. Ok sige, I may be exaggerating, but that’s how un-pretty I felt before *sniff sniff*
At dahil may kadaldalan ako, nalaman ng buong mundo ang almost pagkahibang ko kay Mr. H (as in “Heartthrob”, hindi dahil H ang initial niya). Well, ‘yun ang pakiramdam ko, na alam ng buong mundo kaya praning mode ako noon.
Example ng kapraningan --- Naging kasama namin sa PE class ang isang section na dabarkads ng section ni Mr. H. Nagkaroon ako ng moment na feeling ko, pinagtatawanan ako ng ilang hitad from that section dahil nga pinapangarap ko noon si Mr. H. O ‘di ba? To the highest level ang kaaningan! Sino nga ba naman ako para pagtuunan nila ng pansin at that time? Talagang may “at that time” dahil ngayon, may K na’kong pagtuunan ng sandamakmak na pansin. LOL. Chos.
Pero isang balita ang nakarating sa’kin na nagpatunay na hindi nga ‘ata guni-guni ang mga naririnig kong tinig sa dilim. Isang klasmeyt kong babae ang nagkuwento sa’kin na narinig raw niyang pinag-uusapan ako ng certain girls from another section na naman. Pinakialaman daw kasi nila ang notebook ni Mr. H (o ‘di ba, dami talagang fans!). Pero hindi ang mga pornographic doodle sa likod ng notebook ang nakagulat sa kanila... kundi isang love letter, yes LOVE LETTER na para raw, walang iba, kundi sakin! Yes, PARA SA’KIN GALING KAY MR. H!!! Weee!!! *talon talon*
Pero totoo man na may love letter na nakaipit sa notebook ni Mr. H o wala, ang mas reality sa lahat ng reality eh walang nakarating sa’king sulat, kahit hate letter pa man ‘yan, na galing kay Mr. H in my entire buhay. As in hanggang ngayon. Haha.
Pero ‘eto ang isa pang mas nakapagpapraning sa’kin. ‘Yung isa kong klasmeyt na lalaki na medyo closey-closey kay kwashie, sabihin ba naman na kwash din daw ako ni kwashie! Maigas abelgas! Kinilig ang penggay ko noon, in fernez! Ang kaganapan, pinapa-type ng isang teacher namin ang list ng Top Students for our year level. At si Mr. H daw, tinanong kay klasmeyt kung kasali raw ba ako sa list. Bakit nga ba niya tatanungin kung hindi siya interesado… sakin? Haha, at most ‘yun ang puwede kong i-assume, davah? Gusto kong magpa-tumbling-tumbling noon. Pero sa bangin ko pata-tumbling-in si klasmeyt oras na malaman kong chinuchorva lang n'ya ako noon. Why not chocnut eh isulat-sulat ko raw ba rito sa blog tapos chenelyn lang pala!
School fair. Marriage booth. Yes, naging biktima ako. At biktima rin si Mr. H… kasama ko! *insert horror music here* In fernez, happy lang siyang isipin --- ‘yung “ikakasal” kayo ni kwashie tapos hahalikan ka niya (Sa pisngi nga lang. Corny!) --- pero hindi pala siya happy sa tunay na buhay. Noong oras na ‘yun, gusto ko nang magunaw ang mundo dahil sa kahihiyan *sniff sniff ulit* Sana, kahit mabasa niya ang blog na ito at makilala niya ako, hindi niya maalalang siya ang Mr. H na tinutukoy ko. So help me God.
Dalawang taon din akong na-love struck kay Mr. H... Fast forward, several months before graduation… isang service-mate (kasama sa school bus a.k.a service) ang nagsabi sakin na ang alam niya, crush daw ako ni Mr. H noon. HUWAAAT??? ‘Yun na ‘ata ang pambato ko sa Ripley’s Believe it or Not. Kung totoo man ‘yun, ganun lang ‘ata talaga ang buhay… hindi ibibigay ni God sa’yo ang lahat. I’ve got wit, talents, and brains… them Ms. Famous and Pretty got the title and Mr. H, and the title and Mr. H., and the title and Mr. H, and most of all, the title and Mr. H. LOL
Fast forward ulit… 2nd year college ‘ata ako noon… isang ka-college ko raw ang nabuntis ng isang schoolmate ko noong HS... and yes, tama ang hula n'yo, si Mr. H ang salarin. Oh well, papel. That's all I can say na lang during that time. Pero kahit papaano, naging curious naman ako kung sino ang kalunus-lunos na biktima. I say kalunus-lunos kasi hindi rin naman ('ata) nauwi sa wedding bells ang lahat.
Few months ago, isang breaking news na naman ang (almost, almost lang) gumulantang sa'kin --- si Mr. H daw at isnag unexpected hayskulmeyt ang nagkaroon ng isang gabing kaswal na pagniniig. Another oh well, papel. Ganun talaga ang buhay, parang life. Haha! Expect the unexpected, ayon sa isang popular na kasabihan. And we are all connected in a great circle of life, according to Mufasa naman. At sabi ng Aegis, gulong ng buhay, patuluy-tuloy sa pag-ikot... minsan ako'y nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman. Kayo na ang humanap ng reli sa mahaba kong walang kuwentang kuwento at sa mga kowt na shinare ko.
Itutuloy... oh yes, hindi lang isa ang boylet-boyletan ko noong HS. In fernez.
***
Preview on Part 3:
Hayskulmeyt #2:
… “Kodika” ang tawag namin sa kan’ya. Killer looks. Killer smile… Naging girlfriend niya ang kapatid ng isang kilalang commercial model at award-winning actress. After HS, nagkasama pa nga si Konika GF at ang kapatid niyang celebrity sa isang shampoo commercial noon...
No comments:
Post a Comment