Ang buhay ng mga tao ay parang pelikula. Puwedeng puno ng aksiyon, madrama, o maraming katatawanan. Minsan, may fantasy at horror din. Sa tunay na buhay, lahat ay bida. Lahat ay kontrabida. Lahat ay supporting cast. Ang pagkakaiba nga lang, ang buhay, walang rewind at fast forward. Walang take 2. Walang editing, mastering, o curing. Pero kung nae-edit man ang buhay, ang bahaging nagsimula noong August 4, 2005 ang hindi ko babaguhin...

Araw-araw sa tuwing nakikita ko siya, lagi akong napapaalalahanang masarap mabuhay kahit na mahirap. Araw-araw, sa tuwing ngingitian niya ako, nakakalimutan kong may mga bagay na dapat kong ikasimangot. Tuwing gabi at yayakapin niya ako, nararamdaman kong sa kabila ng mga agam-agam ko, may isang taong siguradong nagmamahal sa'kin nang walang pagpapanggap.
Sa edad niyang liman

No comments:
Post a Comment