May mga nawala sa buhay ko
pero maraming dumating
at bakit pa ba ako maghahanap
kung katulad niya ang nasa akin?
"Island of Fire"
Dahan-dahan siyang naglalakad sa dilim. Hindi alintana ang paligid na maitim... ang panganib na maaaring hatid ng nagtatagong liwanag. Hindi rin niya pansin ang abalang mga tao sa paligid. Parang mga langaw na walang pagod sa paglipad sa umaalingasaw na kalabaw.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kaharap ko ang laptop ko para magsulat. Pero lahat ay para sa hangaring makapagbigay ng serbisyo sa bayan (sa paraang alam at kaya ko). Kaya lang parang may kulang.
Hinahanap-hanap ng puso ko ang pagsusulat para sa damdamin ko. Hindi naman masamang isipin ang sarili (at tanging sarili lang) paminsan-minsan.